Nagising ako at kumain ng almusal. Pagka-kain, pumunta ako sa aking kwarto at nagsimulang mag-design ng birthday kard. Kinopya ko ito sa isang doodle kong ginuhit noon, at pininturahan. Sa alas dos, sumakay kami kay Kumar papuntang Dhukuti, isang handicraft store sa Kupondole, para bumili ng pasalubong.
Naghalungkat kami sa tatlong floor ng store, pero wala pa masyadong bago. Bumili ako ng pasalubong para sa mga klasmeyt ko sa eskwela sa Pilipinas. Nangutang si Abbie sakin ng 565 rupees.
Sumakay kami pauwi, at si Dad naman ay nagpalit saamin sa customer ni Kumar, dahil bibisitahin at magpapadala ng regalo sa kayo Tito Rukman, na lilipad papuntang Dubai. Sinabi ni Dad na pagbalik niya ay pipick-upin niya ako kaagad papuntang Civil Mall para manood ng sine.
Kumain ako ng tanghalian, at inayos ang mga gamit na naibili ko sa Dhukuti. Linagyan ko din ng onting detalye ang birthday kard. Tapos, chinat ko si Misha sa Facebook. Itinanong niya kung bakit kami ng pamilya ko ay tumira sa Nepal.
Nahinto ako sa gitna, dahil pinatawag ako ni Mama at sinabi niyang si Dad ay malapit nang bumalik. Alas kwatro pa lang, at ang oras para sa sineng 'The Maze Runner' na papanoorin namin ay ala cinco. Nagpaalam ako sa kanya.
Mamaya-maya, dumating na si Dad. Huminto muna kami sa may ATM machine, at habang hinihintay ko si Dad, may anim o pitong gulang na bata na naka-ankas sa isang motorsiklo ay sumigaw ng, "Hallo!" sa may bintana ko. Ang cute naman! Mayroon rin mga binatang hipster na nag-skateboard sa sidewalk. Inisip ko na nagiging moderno na ang Kathmandu.
Pagtapos ng isang magandang ride, dumating kami sa Civil Mall ni Dad. Umakyat muna kami sa fourth floor para i-claim ang binook namin na tiket. Sunod, bumalik kami sa ground floor para magkape. Umorder ako ng 'Blended Oreo Cookies Shake' sa Himalayan Java, ang Starbucks ng Kathmandu. Inamigo ng aking Dad ang mga manager nito. (Palaging inaamigo ni Dad ang mga manager kaya palagi kaming may discount ;D Para ibalik ang pabor, nagiimbita kami ng maraming mga tao sa negosyo nila!)
Nang medyo naubos ko ang shake, isinama ako ni Dad sa Barista School ng Himalayan Java na malapit lang sa café. Palagi niya binibisita ito pagka nasa Civil Mall kami, dahil na-iinspirado siya at iniinspirado niya ang mga tao sa loob nito. May klase pa pagkapasok namin, at nagtitinginan kami ng mga estudyante. Nginitian ko sila habang kinakausap ni Dad si Tito Ram, ang manager. Palagi akong naiinteresadong makining sa mga usapan ni Dad, dahil marami akong naaaral dito. May sinabi siya na i-eenroll daw ako sa isang kursong barista sa susunod na taon, at pagnatuloy ako ang magiging pinaka-batang estudyante nila. Sumaya ako.
Sumapit na sa four forty-five, at umakyat na kami papuntang sinehan. Excited na excited ako pagupo ko sa silya sa gitna ng sinehan para sa 'The Maze Runner'. Excited na may halong takot sa gitna ng palabas. Excited pa rin paglabas sa mall at pauwi, pero wala masyadong masabi dahil andaming nangyari sa 'The Maze Runner'.
Kumain kami ng lechong manok galing sa Bhat-Bateni pang hapunan at ako ang naghugas ng plato habang binabasa ang sample ng librong 'The Maze Runner'. Wala nang ibang makausap kaya sinabi ko sa kaibigan kong si Isaiah na nanuod ako ng 'The Maze Runner' at dapat gawin niya rin yoon sa Facebook. Natulog ako bago mag hating-gabi.