O, pano mo mababasa ang talatang iyon, kung walang edukasyon? Pano mo maiintindihan kung hindi ka manlang dumaan sa pag-aral? At kung nasipsip ito ng iyong puso at nais mong ibigay ang salitang ito sa iba, aling paraan ang gagamitin mo?
Kailangan natin ang edukasyon para mabuti ang ating mga buhay. Yoon naman ang dahilan na tayo'y mayroong mga bahay, pagkain, pera, at libangan. Dahil dito ang tauhan ay nakayari ng maraming kamangha-manghang bagay; nabigyan ng kasiyahan ang mga kagawad; natulungan sa paghanap sa katotoohanan at paglaman ng tama at mali; at nauunawaan ang mga asal na bigay ng Diyos at naitakda ito para siya'y nabigyan ng luwalhati.
Pero paano ang mga tao, mga bata't matandang hindi naka-pasok sa eskwelahan, hindi naturuan ng guro? Kailangan rin nating ibigay sa kanila ang edukasyon, una, dahil maiitataas nito ang buhay nila galing sa abo, pangalawa, kailangan ng mundo ang lahat na tulong na kailangan nito, pangatatlo, para bigyan sila ng dunong pagtira sa lipunan at para paunlarin pa ito ng lubos, at pinal, dahil isa din itong karapatan bilang tao: dapat pantay ang lahat.
Binibigyan tayo ng alay para ibahagi uli sa iba. Sa pagkasabi niyan, pinagpala tayo ng Diyos ng edukasyon para gamitin itong pagtulong sa ating sarili, muna, at pagkatapos sa kapwa. Isa itong napakanimportanteng pundasyon para sa buhay, isang kapangyarihan na pwedeng yanigin ang mundo para sa mas mabuti.
No comments:
Post a Comment