Paano maipapakita ang magandang pakikitungo sa kanila?
Sa Mahihirap
Kaibiganin at mahalin sila, unawaan ang paraan ng pamumuhay nila, sumali minsan sa pamumuhay nila, isali sila sa pamumuhay natin kahit anong paghusga ang ibibigay satin ng ibang mga tao, ipagdasal sila, at pakainin sila at damitan.
Sa Pulubi
Tumigil sa paglalakad, ngitian sila ng totoo, kaibiganin at mahalin sila, samahan mo sila, kausapin at unawaan sila na parang bago mo makilala ang matalik mong kaibigan, pakitaan sila ng magandang ugali para sila ay maturuan kung paano, ipagdasal sila, at pakainin at damitan sila.
Sa May Kapansanan
Tulungan sila kung kailangan nila noon, wag silang titigan na walang galang, kaibiganin at mahalin, pagdasalan na mawala ang kapansanan nila.
May karapatan ba ang tao na hatulan ang panlabas na kaanyuan ng kanyang kapwa?
Sa mahihirap
Wala. Lahat naman din ng tao ay mahirap sa espiritualidad katulad nila.
Sa Pulubi
Wala din. Kahit nakalagay sa kanila ang maskara ng kahirapan, tao parin sila sa loob, at kailangan nila ng tulong matanggal ang maskara na iyon. Walang matutupad kung hindi tayo lahat magtulungan.
Sa May Kapansanan
Wala. May sakit na nga sila, bakit pa kailangan masaktan silang muli?
Nota ng awtor: Sana nga lang may isang araw na pwede ko itong isagawa lahat sa aking buhay, dahil iyon ang datos ng Diyos… pero hindi pa ako makatangal ng maskara na laging kumakasya sa paghusga ng lipunan ko na mataas, komportable, at maginhawa. O, Hesu Kristo na sumama sa mga mahirap, minahal sila - anuman ang paghusga sa Kanya o sa mga mahirap, o, mga kapatid ko na may parehong puso, tulungan ninyo akong tangalin ito.
No comments:
Post a Comment